OFW Pag-uwi sa Pilipinas mga Proseso, Paghahanda, at mga Babayaran (Going back to the Philippines as an OFW)

Posted

by

Written: 25 Nov 2021 | Singapore OFW

Magandang araw, kabayan. Nais ko pong i-share ang mga steps, mga babayaran, at mga naging proseso nung ako ay bumalik mula Singapore papuntang Clark netong 22 November 2021. Kung kayo po ay manggagaling sa ibang bansa liban sa SG, halos kapareho lang din ang proseso (exception if Green country yung panggalingang bansa at kung magko connecting flight kayo. Yung mga dokumentoong hahanapin ay at proseso ay pareho maliban sa haba ng araw na kakailnganin mong mag-stay sa hotel, e.g. 1 day for Green list at kung sa Yellow list countries naman ay either 3rd day or 5th day ang swab test).

Paunawa po, palaging i-check ang Philippine Embassy facebook page at OWWA facebook page para sa latest travel guidelines. As of 25 Nov 2021, may bagong update ang embahada ng Singapore sa pagba byahe kung saan mas pinaikli pa ang quarantine sa hotel ng mga may pre-departure PCR test.

 

Watch the video here:

 

Pre-departure:

  1. I-prepara ang Vaccine Certificate. Siguraduhin ito ay galing sa Notarise.SG. Mabuti na i-print ito kalakip ng iba pang mga dokumentong babanggitin sa ibaba.
  2. Siguraduhing ACTIVE ang iyong OWWA member. I-download ang OWWA app.
  3. Ihanda ang Flight reference.
  4. At least three days before departure, register your electronic Health Declaration Card (eHDC) through Bureau of Quarantine’s OneHealthPass (OHP) Online Registration Platform. • Save your transaction number (ise-send e-mail address, make sure na tama)

  5. Mag fill-up din po nito at least 3 days before flight, OWWA’s OFW Assistance Information System (OASIS) to facilitate other government support services such as hotel accommodation and transfer. Kung kayo po ang seaman na OFWs must register through https://ecif.firstaide.ph.
    TANDAAN:
    On the day of your departure, update your OneHealthPass/OHP registration with your seat number, health declaration and other details. I-click lang yung link na sinend sa email nyo to update the details. 
    Save o mas mabuting i-print the OHP QR code generated (This is also sent to your e-mail address)

  6. Tawagan ang iyong airline kung kakailanganin ang RT-PCR test priori to your departure. Ang PCR test ay dapat within 72 hours ng iyong flight. Sa experience ko, nag-rush ako dahil ang sabi sa memo ng embahada, di daw kakailnganin ng Philippine government ang PCR test pero ang mga airlines katulad ng Singapore Airlines ay required ang mga pasahero na mag provide ng PCR test before boarding the airplane.Note: Ang advantage po ng may Pre-departure PCR test ka ay mas mapapaikli ang swab test mo which is 3rd day kumpara sa 5th day para sa mga dadatinhg na walang PCR Test.
  7. Additional things to prepare and keep it handy,
    1. Folder and pen – napakarami pong papel na pifill-upan sa airplane at pagbaba hanggang pagdating ng airport.
    2. Face shield, alcohol, Philippine SIM (Philippine number ang hinihingi at required nila), extra mask (mahaba ang pila minsan at matagal – inabot kami ng 3hours mula pag lapag hanggang sa hotel (20mins sa service bus).

Departure:

  1. Show your booking reference and the QR code of One-health when getting your ticket. Unlike po before, Online check-in is not allowed. Bibigyan kayo ng Affidavit of Undertaking at (another form). Fill-up an habang naghihintay sa boarding gate. Ang one-health pass QR code ay hahanapin din sa boarding gate at paglapag. Keep it with your passport.
  2. On the plane, Magpo provide ang flight crew ng 3 papel: Health declaration (yellow), Arrival card, at Customs Baggage Declarations. Fill-upan ito.
    mga pifill upan sa eroplana pabalik ng pilipinas 2021

 

Arrival:

  1. Sundan ang marka – OFW or non-OFW. May briefing para sa OFWs.
  2. Tatawagin isa isa para sa intake kung saan hahanapin ang: Passport, tatanong kung saang bansa galing (Green list, Yellow list), One Health QR code, Vaccination, Health declaration, at ibigay ang pre-departure PCR test kung meron man – hindi nila hinanap sa akin pero nung nabanggit ko, ginawang 3rd day ang swab imbes na 5th day.
  3. I-assign din sa inyo ang hotel. Ibibigay ang isang document para sa mga rules habang naka quarantine sa hotel.
  4. Dumerecho sa Immigration at i-presenta ang Arrival Card sa immigration officer.
  5. Kunin ang bagahe.
  6. Pumunta sa Customs – ibigay ang Customs Baggage Declaration. Pag clear na,
  7. Sundan ang mga OWWA staff (marami sila at organized – di ka naman malilito) para  sa holding area kung saan maghihintang ng service bus papunta sa hotel mo. Actually, eto yung pinaka naging matagal sa proseso dahil inabot ng isang oras mahigit para ma-onboard ang lahat tapos may 2 hotel accommodations at sa amin yung mas malayo.Pag dating sa Hotel,
  8. Aakyat ang OWWA staff sa service bus para magbigay ng briefing kung ano ang magiging proseso at paano kayo ihahatid pauwi or pano kung may sundo.
    Yung sa akin since katabing probinsya lang ako, nagpasundo ako. Ang requirements ay, Acceptance Letter mula sa munisipyo kung saan yung pamilya ko yung nag asikaso. Ang requirements ay 1. negative PCR result at travel details ko 2. passport copy 3. flight and arrival details 4. vaccine cert.
  9. Bibigyan kayo ng papel na pi-fill upan: Hotel Health declaration, QR code para i-download ang Dashlab (Redcross para sa record nyo for PCR test).

    HOTEL

  10. Provided ang pagkain. Breakfast, Lunch, at Dinner. May kettle din sa room, mini fridge, TV, at sariling toilet. Depende to sa Hotel na maa assign sa inyo. Mine is pretty decent, staff are very courteous. May upuan sa labas ng room mo kung saan nila nilalagay ang food at kakatok naman sila, yung schedule medyo maaga sa schedule ko – Bfast is 7am+, lunch is 11am+, dinner is 5pm+. Pag nabitin, pwede naman um-order. Pwede bayaran ng peso or equivalent rate ng currency.

    SWAB DAY

  11.  Maghintay ng araw para sa swab test. Tatawagan ka ng OWWA staff na nagbrief sa’yo through phone na nasa hotel room. Ang swab test ay sa hotel din, different floor.
    Side note: Iba ang proseso ng pag kuha ng PCR test sa SG at Pinas. SA SG, both hole ng nose lang – sa Pinas, isang hole ng nose at sa lalamunan. Mabilis lang ang proseso. Balik na ulit sa room.

    PCR RESULT

  12. Result. Maghintay ng 24 – 48 hrs. Yung sakin, 3pm ako nag test, nakuha ko na sa email ko (make sure na tama yung nilagay nyo nung nag regiester kayo sa Dashlab) nareceive ko ng 7:30am. I-send ito sa email na prinovide ng OWWA staff nung briefing (point #8).
  13. Sinend ko sa family ko para ma process na nila yung Acceptance Certificate sa munisipyo kung saan ako nakatira or saan itutuloy ang remaining days of quarantine. Inadvice ko yung OWWA staff kung anong oras ako masusundo. Kailangan nila ng Acceptance Certificate. I send din sa OWWA staff ang Acceptance Letter para maprocess nila ang papers mo.

    PREPARING FOR HOME QUARANTINE

  14. UWIAN NA! Pag check out sa baba, ipo provide ang Quarantine Certificate at Hotel Release paper. Ipagpatuloy ang quarantine sa bahay. wag kalimutan na mag check-in o dumiretso sa munisipyo, kung nakalimutan nyo ito (sakin kasi madaling araw na kami dumating at sarado na ang munisipyo – di na rin akong pwedeng lumabas dahil nga sa quarantine orders), pwede nyo pong papuntahin ang myembro ng pamilya nyo dala ang mga papeles at pakinggan ang mga tagubilin ng munisipyo para sayo at sa pamilya mo during home quarantine.

Salamat kabayan! Sana nakatulong eto.